Miyerkules, Marso 28, 2012

KONOTASYON AT DENOTASYON

Denotasyon - Literal ang kahulugan.

Konotasyon - Malalim ang kahulugan ng salita.

DEnotasyon - inaalis ang tae sa toilet (MALINGSAGOT)
KOnotasyon- binabalik ang tae galing sa toilet (MALINGSAGOT)


Mga halimbawa ng Konotasyon at denotasyon:

1. PULANG ROSAS:

Denotasyon: pulang Rosas na may berdeng dahon
Konotasyon : Ito ay simbolo ang passion at pag-ibig

2. KRUS
Denotasyon: Ang kayumanging krus
Konotasyon: Ito ay simbolo ng relihiyon

3. ang litrato ng puso
Karagdagang Kasagutan:
Denotasyon: ito ay nagrerepresinta karton na puso
Konotasyon: Ito ay simbolo ng pagmamahal at pag-ibig
konatasyon-
si adrian ay may TENGANG KAWALI
ako ay may PUSONG MAMON
si nanay ang ILAW ng tahanan
si tatay ang HALIGI ng tahanan
nasa PAA na ang buhay ng aking lola!

Lunes, Marso 19, 2012


                                      Mga Elemento ng Tula 

a. Tugma 
- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma 

1. Mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, t, s ay nagtutugma ang dulumpatig 

2. Mga nagtatapos sa l, m, n, ng, w, r, y 

b. Sukat 
- tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod 

c. Paksa 
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula 

d. Tayutay 
- paggamit ng pagwawangis (simile) pagtutulad (metaphor) pagtatao (personification) ay ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula 

 e. Tono/Indayog 
- dapat isaalang-alang ang diwa ng tula 

f. Persona 
- tinutukoy nito ang nagsasalita sa tula 
- una, ikalawa o ikatlong panauhan 

g. Kariktan ng tula 
- nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa

Huwebes, Marso 15, 2012

Wika Filipino sa makabagong panahon

Ang makabagong Filipino

Nang dumating ang kapanahunan ng panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino, ang naturang isyu ay binigyang pansin sa pag-sasagawa ng Konstitusyon ng 1987. Ang pambansang wika ng Pilipinas ay kinilala bilang Filipino at hindi na Pilipino. Ang pagpapalit ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa salitang “Filipino” ay nag-bibigay halaga sa mga salitang Ingles at Espanyol na naging bahagi na ng ating pansariling wika. Ang mga letra sa alpabetong Ingles na hindi lingid sa kaalaman ng bawat Pilipino, tulad ng f, j, c, x, and z, ay isinama na rin sa makabagong alpabetong Pilipino.
 Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titk na kung saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino.
Ang ebolusyon ng Pam-bansang Wika ng Pilipinas ay naging bahagi rin ng kurikulum ng iba’t ibang paaralan sa Pilipinas. Ang mga estudyante ng mga paaralan ay kinikilala ang salitang “Filipino” bilang ang wikang pambansa, at ang “Tagalog” bilang isang uri ng katutubong salita o dayalekto. Hindi lamang mga asigna-turang Filipino ang meron sa kurikulum ng mga paaralan sa Pilipinas, nariyan rin ang mga asignaturang Ingles at iba pang klase ng aralin na siyang nagtuturo rin ng iba’t-ibang lenguwahe ng iba’t ibang bansa. Sa ibang dako naman ng daigdig, tulad ng Amerika, ang mga Philippine Schools ay mayroon ding mga klase sa Filipino na siya namang nagtuturo sa kanila ng sarili nating wikang pambansa. 

          Sa kasalukuyan, masasabi pa ring dapat ituloy ang paglinang sa wikang Filipino at nararapat lamang na ito ay lubusan pa ring pagyamanin. Isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap ng ating wika sa kasalukuyang panahon ay ang pagiging intelektwa-lisado nito. Pinaniniwalaan na ilang dekada pa ng masin-sinang pag-aaral at pagpa-patupad ang kinakailangan para maisakatuparan ang adhikaing ito. Kailangan munang maisalin sa Filipino ang lahat ng kaalaman at mga konsepto na pinag-aaralan ng mga Pilipino mula elementarya hanggang kolehiyo. Sa ngayon, hindi makakatapos ng pag-aaral ang isang Pilipino na wikang Filipino pa lamang ang kayang salitain sapagka’t maraming termino sa agham, matematika, algebra, medisina, trigonometri, at pisika ang wala pa ring katumbas o “counter-part” sa Filipino. Isa pa, ang mga kaalamang ito ay hindi rin nagmula sa sarili nating bayan kaya karamihan ng mga aklat, ensayklopedia, at mga diksyunaryo na ginagamit natin ngayon sa pag-aaral ay nakalimbag sa wikang Ingles. Panitikan pa lamang ang aspeto ng wikang Filipino ang intelektwalisado sa ngayon. 

 

Lunes, Marso 12, 2012

ANG WIKANG FILIPINO NOON AT NGAYON

 ANG WIKA NATIN NOON




QAng Baybayin or Alibata (alam sa Unicode bilang Tagalog script) ay isang katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino bago pa dumating ang mga mananakop na Kastila. Ito ay hango sa Kavi na paraan ng pagsulat ng mga taga-Java. Ito ay bahagi ng sistemang Brahmic (na nagsimula sa eskriptong Sanskrit) at pinaniniwalaang ginagamit noong ika-14 siglo. Ito ay patuloy na ginagamit nang dumating ang mga Kastila hanggang sa huling bahagi ng ika-19 siglo. Ang ibang kahalintulad na mga paraan ng pagsulat ay ang mga Hanunóo, Buhid, at Tagbanwa. Ang salitang baybayin sa kasalukuyang wikang Tagalog ay katunayang nangangahulugan ng pagbigkas ng mga titik ng isang salita, o "to spell" sa wikang Ingles.


Paggamit



And sistema ng pagsulat ay ayon sa sistemang abugida na gumagamit ng pagpaparis ng katinig at patinig. Bawat titik, kung isulat sa payak na anyo, ay isang katinig na nagtatapos sa patinig na "A". Upang isulat ang isang katinig na nagtatapos sa ibang patinig, maaaring maglagay ng kudlit sa ibabaw (kung nais isama sa patinig na "E" o "I") o sa ilalim (kung nais isama sa patinig na "O" o "U"). Ang paglagay ng kudlit ay naaangkop lamang sa mga katinig, at hindi maaaring gawin sa mga patinig. May sariling mga marka ang mga patinig. Gayon pa man, may isang simbolo lamang para sa D o R dahil ang mga ito ay tinatawag na "allophones", na kung saan ang D ay maaaring may "initial", "final", "pre-consonantal" o "post-consonatal" na posisyon, at ang R naman ay may "intervocalic" na mga posisyon.




WIKANG FILIPINO

Ang wikang Filipino[2] ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito.

Depinisyon ng Filipino

  • Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. -Resolusyon Blg. 96-1, Nilagdaan Agosto 28, 1998.